2026 IJRSE – Volume 15 Issue 15
Available Online: 7 July 2026
Author/s:
Varona, Fe A.*
Cebu Technological University- Main Campus, Philippines (varona8421@gmail.com)
Noval, Arnel T.
Cebu Technological University- Main Campus, Philippines (arnelnoval663@gmail.com)
Cebe, Danilo F.
Cebu Technological University- Main Campus, Philippines (danilocebe72@gmail.com)
Abstract:
Nilayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang mga pangangailangan sa kasanayang pangkomunikasyon ng mga piling kabataang hindi kasalukuyang nakaenrol sa pormal na edukasyon sa Lungsod ng Cebu bilang batayan sa pagbuo ng Bayanihang Komunikatibo Project, isang programang pang-ekstensiyon na nakatuon sa pagpapaunlad ng kanilang kakayahan sa komunikasyon. Ginamit sa pag-aaral ang deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik na may kombinasyon ng kwantitatibo at kwalitatibo sa paglikom ng datos hinggil sa kalagayan, mga hamon sa pag-aaral, motibasyon, at mga kasanayang nais pang mapaunlad ng mga kalahok. Dalawampung (20) kalahok ang naging mga respondente sa pag-aaral. Gumamit ng talatanungan na may sarado at bukas na mga tanong na isinulat sa wikang Cebuano at sinundan ng impormal na panayam. Ipinakita ng resulta ng pag-aaral ang apat na nabuong pangunahing tema: mga hamon sa kasanayan sa pagbasa at pagsulat, kahalagahan ng pagsasalita sa pang-araw-araw na buhay, pangangailangan sa holistikong kasanayan sa komunikasyon, at pagharap sa mga nakaraang hamon sa akademiko. Natuklasan din na 40% ng mga kalahok ang nagnanais na mapaunlad ang lahat ng aspekto ng komunikasyon gaya ng pagbasa, pagsulat, at pagsasalita, samantalang 35% ang nagbigay-priyoridad sa kasanayan sa pagsasalita. Ipinahihiwatig lamang na may mataas na antas ng motibasyon ng mga kalahok na paunlarin ang kakayahang pangkomunikasyon para sa mas maraming oportunidad sa edukasyon, hanapbuhay, at pakikilahok sa lipunan. Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda ang pagpapatupad ng mga pagsasanay na nakabatay sa pangangailangan ng mga kalahok, pagsasagawa ng paunang pagtataya, at pagpapalakas ng suporta para sa mga programang pang-ekstensiyon na magtataguyod ng komunikasyon at literasiya.
Keywords: kasanayang pangkomunikasyon, deskritibong pamamaraan, programang pang-ekstensiyon, kabataang hindi nakaenrol sa pormal na edukasyon, Lungsod ng Cebu
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26283
Cite this article:
Varona, F. A., Noval, A. T., & Cebe, D. F. (2026). Pagtatasa sa mga pangangailangan para sa bayanihang komunikatibo project. International Journal of Research Studies in Education, 15(15), 205-217. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26283
* Corresponding Author
