Etnomatematika sa klasrum: Pagsasanib ng kulturang Ilokano at matematika sa pagkatuto

2026 IJRSE – Volume 15 Issue 15

Available Online:  7 July 2026

Author/s:

Villegas, Lei Ann S.
Ilocos Sur Polytechnic State College – Tagudin Campus, Philippines (Leiingan0@gmail.com)

Galay, Mark Jaybee R.*
Ilocos Sur Polytechnic State College – Tagudin Campus, Philippines (galaymarkjaybee@gmail.com)

Abstract:

Layunin ng pag-aaral na ito na tuklasin at suriin kung paano naisasama ang mga elemento ng kulturang Ilokano sa pagtuturo ng matematika at ang epekto nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Pinagtuunan ng pansin ang mga paksang pangmatematika na maaaring maituro sa pamamagitan ng lokal na kultura, ang kontekstwalisasyon ng kultural na elemento sa klase, at ang implikasyon nito sa interes, partisipasyon, at pag-unawa ng mga estudyante. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa pagpapalalim ng inklusibong edukasyon at pagpapahalaga sa lokal na kultura, alinsunod sa SDG 4 at SDG 11. Gumamit ang pananaliksik ng penomenolohikal na disenyo at semi-estrukturadong pakikipanayam sa mga piling mag-aaral mula sa Ilocos Sur Polytechnic State College (ISPSC). Ang tematikong analisis nina Braun at Clarke (2006) ang ginamit sa pagsusuri ng datos upang matukoy ang mahahalagang tema sa karanasan ng mga kalahok sa kontekstuwalisadong pagtuturo ng matematika gamit ang kulturang Ilokano. Ipinakita ng resulta na maraming konseptong pangmatematika ang epektibong naituturo sa pamamagitan ng lokal na gawain at tradisyonal na kagamitan ng Ilokano, kabilang ang geometric patterns sa panagabel, solid figures sa alsong at al-o, angle of elevation sa panagtapog, ratio at proportion sa pagluluto ng pinakbet, measurement sa panagrukod, perimeter at area sa sakahan, at types of angles sa bahay-kubo. Nagdulot ang pagsasanib ng kultura ng mas mataas na interes, aktibong partisipasyon, at mas malalim na pag-unawa sa matematika, habang pinapalakas ang pagpapahalaga sa sariling kultura. Konklusyon, ang etnomatematika bilang pedagogical approach ay epektibong nagtataguyod ng makabuluhan at inklusibong pagkatuto.

Keywords: etnomatematika, kultura, pagtuturo, Ilokano, matematika

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26291

Cite this article:
Villegas, L. A. S., & Galay, M. J. R. (2026). Etnomatematika sa klasrum: Pagsasanib ng kulturang Ilokano at matematika sa pagkatuto. International Journal of Research Studies in Education, 15(15), 247-257. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26291

* Corresponding Author