2026 IJRSE – Volume 15 Issue 15
Available Online: 20 June 2026
Author/s:
De Real, Jeanly M.
Cebu Technological University, Philippines (Jeanly.monterde@deped.gov.ph)
Abstract:
Ang kahirapan ng mga mag-aaral sa pagbasa nang may pag-unawa, lalo na sa pag-unawa sa mga salita, ideya, at kaisipang nakapaloob sa teksto, ay nagiging hadlang sa kanilang pagganap at paglinang ng mga itinakdang kasanayan sa pagbasa. Kaugnay nito, nilayon ng pag-aaral na masuri ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng iba’t ibang tekstong impormatibo gamit ang HOTS approach sa Filipino 11 upang makapagmungkahi ng potensiyal na interbensiyong makatutulong sa pagpapaunlad ng kasanayan sa maunawaang pagbasa. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Quasi-experimental Design sa pamamagitan ng pre-test at post-test. Ginamit din ang convenience sampling teknik sa pagpili ng mga kalahok ng pag-aaral na binubuo ng dalawampu’t siyam (29). Ang instrumentong ginamit ay talatanungan na dumaan sa balidasyon ng mga eksperto upang matiyak ang kredibilidad at mapanaligan ang mga tanong na nakapaloob dito. Ang mga nalikom na datos ay sinuri gamit ang pamamaraang istadistikal tulad ng score, weighted mean, standard deviation at paired-t-test. Natuklasan sa pag-aaral na nakapagtamo ng mas mataas na marka ang mga respondenteng mag-aaral sa paggamit ng HOTS Approach na kakikitaang patungo sa pagkatuto o moving towards mastery, kumpara sa paggamit ng tradisyonal na paraan ng pagtuturo ng pagbasa. Mula sa mga natuklasan ay nabuo ang kongklusyon na ang HOTS Approach ay makatutulong sa pagtuturo ng pagbasa sa pamamagitan ng pagpapahusay at paglilinang ng kakayahang makapagsuri at mapalalim ang pag-unawa sa mga tekstong binabasa. Dagdag pa rito, ang HOTS Approach ay nagpakita ng positibong epekto sa interaktibong pagbasa. Iminumungkahi ang paggamit ng pinagyamang planong pampagkatuto sa pagpapahusay at paglinang ng kakayahan sa maunawaang pagbasa gamit ang HOTS Approach.
Keywords: kasanayan, pagbasa, impormatibo, HOTS approach, Filipino
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26272
Cite this article:
De Real, J. M. (2026). HOTS approach sa pagbasa ng tekstong impormatibo sa Filipino 11. International Journal of Research Studies in Education, 15(15), 25-38. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26272
