2026 IJRSE – Volume 15 Issue 12
Available Online: 17 May 2026
Author/s:
Abadiano, Anne Bernadette J.
Leyte Normal University, Phililppines (abadianoanne2001@gmail.com)
Abstract:
Sa paglipas ng panahon, patuloy na kinakaharap ng bansang Pilipinas ang iba’t ibang suliranin sa larangan ng edukasyon partikular sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa mga mahahalagang kasanayan bilang pundasyon ng kaalaman. Gayunpaman, sa kabila ng implementasyon ng MATATAG Curriculum, nananatili ang ilang hamon sa mga guro sa bansa. Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang mga hamon na nararanasan ng mga guro sa implementasyon ng MATATAG Curriculum. Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibong pananaliksik na ginamitan ng pamaraang Husserlian deskriptibong penomenolohikal. Lumabas sa pagsusuri na ang hamon na naranasan ng mga kaguruan sa implementasyon ng MATATAG Curriculum ay kakulangan ng training, limitadong access sa instructional materials, limitadong oras sa paghahanda ng aralin, dagdag na workload at administrative tasks. Sa kabilang banda, natulasan sa pag-aaral na ang pagkakaroon ng kolaborasyon at peer support, self-directed learning, paglahok sa mga seminars/webinars, self-motivation, at pagkatuto ng mga mag-aaral ay ang mga mekanismo sa pagkaya ng mga guro upang malampasan ang mga hamon sa implementasyon ng MATATAG Curriculum. Bilang rekomendasyon, magbahagi ng mga trainings/seminar/workshop na collaborative at reflective sa bawat buwan, pagtaas ng pondo para sa sentralisado at organisadong pamamahagi ng mga instructional materials, pagbuo ng sustainable na sistema ng edukasyon at malawakang reporma sa ilang gawaing administratibo at working hours at pagkakaroon ng teacher support staff system.
Keywords: hamon, mekanismo ng pagkaya, MATATAG Curriculum
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26204
Cite this article:
Abadiano, A. B. J. (2026). Isang komprehensibong pagsusuri sa danas ng mga guro sa implementasyon ng MATATAG Curriculum. International Journal of Research Studies in Education, 15(12), 217-225. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26204
