2026 IJRSE – Volume 15 Issue 12
Available Online: 15 May 2026
Author/s:
De Ramon, Natividad L.
Sorsogon State University, Sorsogon, Philippines (deramon.natividad@sorsu.edu.ph)
Abstract:
Ang karamihan sa mga mag-aaral ay nakatuon lamang sa: dami ng iniinom na kape at epekto ng coffaine sa utak o katawan. Ang pagkakaiba nito ay hindi lang “pag-inom” ang tinitingnan kundi ang kultura ng kape-kabilang ang oras ng pag-inom, ang iba ay may dahilan kaya sila nag-iinom ng kape at ang iba ay ginagawang simbolismo-ito yong kape bilang kasama sa pag-aaral. Ngunit ang labis na pag-inom nito ay nagdudulot ng negatibong epekto sa kalusugan at pagkatuto, samantalang ang katamantamang pag-inom ay nakakatulong sa pagiging alerto sa klase. Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng quantitative-correlational research desiɡn na naɡlalayonɡ tukuyin anɡ uɡnayan nɡ kultura nɡ kape at akademikonɡ paɡɡanap nɡ mɡa kabataanɡ maɡ-aaral. Anɡ correlational desiɡn ay akma sa paɡ-aaral nɡ kabataan dahil ito ay naɡbibiɡay-daan upanɡ makita kunɡ may statistical na kauɡnayan anɡ kape bilanɡ bahaɡi nɡ kanilanɡ kulturanɡ popular at kanilanɡ akademikong pagganap. Sa mga natuklasang datos, lumalabas na ang kultura ng kape ay isang karaniwang gawi sa mga kabataang mag-aaral. Marami ang sumasang-ayon na ang pag-inom ng kape ay bahagi ng kanilang pag-aaral, na nakatutulong upang maging alerto, gising at mas handa sa pagganap ng kanilang mga akademikong gawain. Sa naging resulta, malinaw na ang kape ay nakikita bilang praktikal na nakatutulong, lalo na kapag may mga pagsusulit o mabibigat na takdang aralin. Makikita rin na hindi lahat ng mag-aaral ay lubusang naniniwala na ang kape ay direktang nagpapataas ng marka o ng kabuuang pagganap. Ang kape kadalasan, nakikita bilang pansamantalang suporta lamang na nakapagpapalakas ng konsentrsyon ngunit hindi ito garantiya na ang mga mag-aaral ay nakakakuha ng mataas na marka sa pagganap. Lumabas din sa pag-aaral na ang kultura ng kape ay higit pa sa simpleng pag-inom; ito ay nakaugnay sa mga nakikita sa “social media”, at nakikilala ng kabataan bilang mga modernong mag-aaral. Malaking bilang ng mga mag-aaral ang nakaranas ng puyat dahil sa sobrang pag-inom ng kape, na nagdudulot ng negatibong epekto sa pagganap. Ipinakita ng pag-aaral na ang kape ay may magkahalong positibo at negatibong epekto sa mga mag-aaral: para sa positibong epekto ito ay nakakatulong sa mental alertness at focus sa akademikong pagganap ngunit ito ay nagdudulot ng pagkapuyat kapag ito’y nasobrahan. Ang kultura ng kape sa mga mag-aaral ay isang dinamikong bahagi ng pag-aaral kapaki-pakinabang kung wasto, ngunit may panganib kung hindi kontrolado.
Keywords: kape, kultura, kabataan, maɡ-aaral, akademiko
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26153
Cite this article:
De Ramon, N. L. (2026). Kultura ng kape at akademikong pagganap ng mga Kabataang mag-aaral. International Journal of Research Studies in Education, 15(12), 121-128. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26153
