Facebook reels: Gamit sa pagtuturo ng balarila

2026 IJRSE – Volume 15 Issue 8

Available Online:  10 April 2026

Author/s:

Peralta, Ana Justine Villanueva*
Sorsogon State University, Philippines (anajustin.peralta@deped.gov.ph)

Marbella, Felisa D.
Sorsogon State University, Philippines (felisa.marbella@sorsu.edu.ph)

Abstract:

Natiyak sa pag-aaral na ito na makabuo ng Facebook Reels sa pagtuturo ng balarila. Ang pananaliksik na ito ay may disenyong developmental. Ang mga respondent ay mga mag-aaral, guro at dalubhasa mula sa Juban National High School. Random sampling ang paraan sa pagpili ng mga mag-aaral at purposive sampling para sa mga guro at dalubhasa. Ginamit ang LRMDS Non-Print at weighted mean para mabalido ito. Batay sa natuklasan, inilahad ang mga sumusunod na konklusyon: Kinakailangan ng masusing pagpaplano sa pagbuo ng reels upang masiguro na ito ay angkop sa kompetensi ng DepEd at antas na gagamit. Ang nabuong Facebook Reels sa pagtuturo ng balarila, ayon sa mga eksperto ay may ebalwasyong katanggap-tanggap. Ang mga nabuong fidbak ng mga guro ay nakatulong upang mapagyaman ang nabuong materyal. Ayon din sa mga guro ang reels ay makatutulong sa pagtuturo. Para naman sa mga mag-aaral, makatutulong ang reels sa kanilang pagkatuto. Inirerekomenda sa pag-aaral na ito na ang mga guro ay magpatuloy sa pagbuo ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo gamit ang social media upang makasabay sa makabagong pamamaraan ng paghahatid ng impormasyon. Maaring mangasiwa ng isang seminar/workshop upang mas dumami ang matutong kaguruan patungkol sa pagbuo ng mga kagamitan sa pagtuturo at mapalawak ng kanilang kaalaman sa paggamit ng ICT. Kailangan ring isaalang-alang ang mga suhestiyon at rekomendasyon ng mga guro at mag-aaral upang mapayaman ang pagbuo ng reels. Maari ring ipamahagi ang nabuong banghay-aralin at reels sa mga kaguruan na nagtuturo ng Filipino 10, upang makatulong sa kanilang patuturo lalo na sa mga paksang pangbalarila.

Keywords: balarila, facebook reels, pagpapalawak ng kaalaman

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26061

Cite this article:
Peralta, A. J. V., & Marbella, F. D. (2026). Facebook reels: Gamit sa pagtuturo ng balarila. International Journal of Research Studies in Education, 15(8), 215-235. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26061

* Corresponding Author