2026 IJRSE – Volume 15 Issue 8
Available Online: 7 April 2026
Author/s:
Imperial, Janice D.*
Gabao National High School, Philippines (Janiceimperial82@gmail.com)
Mariano, Sharon D.
Sorsogon State University, Philippines (sharondivinamariano@gmail.com)
Abstract:
Layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang performans ng mga mag-aaral sa sekondarya sa bayan ng Irosin sa pagsulat ng balita sa wikang Filipino. Ginamit ng mananaliksik ang deskriptib-analisis na disenyo upang makalikom at masuri ang kinakailangang datos. Sa pamamagitan ng paraang ito, nailarawan, naipakita, at nabuo ang mahahalagang punto mula sa datos upang matukoy ang mga pattern sa kakayahan ng mga kalahok. Binubuo ang mga kalahok ng tatlumpu’t dalawang (32) mag-aaral na kasapi ng pampaaralang pahayagan mula sa pitong pampubliko at pribadong paaralang sekondarya, gayundin ang tatlong (3) gurong tagasanay na nagsilbing tagapagtaya at gabay sa pagsusuri ng kanilang mga sulatin. Isinagawa ang pananaliksik nang may pagsasaalang-alang sa mga etikal na pamantayan, kabilang ang pagbibigay ng Informed Consent Form at pagtiyak na boluntaryo ang pakikilahok ng bawat respondente. Bilang pangunahing instrumento, gumamit ang mananaliksik ng fact sheet na naglalaman ng magkakahalong impormasyon na may mga kamalian sa baybay at gramatika, na siyang ginamit ng mga mag-aaral bilang batayan sa pagsulat ng balita. Ang kanilang mga awtput ay sinuri gamit ang score sheet na nakaangkla sa itinakdang pamantayan ng kagawaran, na sumasaklaw sa porma at istilo (40%), nilalaman (50%), at etika (10%). Natuklasan na may kakulangan ang mga mag-aaral sa maayos na organisasyon ng detalye, wastong paggamit ng wika, at lohikal na daloy ng ideya, gayundin sa paglalapat ng wastong nilalaman at etikal na pamantayan. Natukoy rin ang kakulangan sa kaalaman sa paggamit ng transisyon at sa pangkalahatang pagsulat ng balita kung kaya’t ito ang mga suliraning kinakaharap sa pagsulat ng balita. Inirerekomenda ang mas aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa mga palihan, seminar, at iba pang pagsasanay upang higit na malinang ang kanilang kasanayan sa pagsulat ng balita at mapabuti ang kanilang kakayahang komunikatibo sa wikang Filipino.
Keywords: balita, gabay-materyal, pagsulat, pagsusuri, performans
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26122
Cite this article:
Imperial, J. D., & Mariano, S. D. (2026). Pagsulat ng balita: Isang pagsusuri. International Journal of Research Studies in Education, 15(8), 165-178. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26122
* Corresponding Author
