2026 IJRSE – Volume 15 Issue 1
Available Online: 10 January 2026
Author/s:
Amascual, Melvie Bajaro
Gabao National High School, Philippines (amascualmelvie@gmail.com)
Polo, Sarah Janine De Los Reyes
Gallanosa National High School, Philippines (lopoharas@gmail.com)
Marbella, Felisa Doctama*
Sorsogon State University, Philippines (felisa.marbella@sorsu.edu.ph)
Abstract:
Layunin ng pananaliksik na ito na suriin ang gramatikal na kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral ng Batsilyer sa Edukasyong Pansekundarya na may medyor sa Filipino sa Veritas College of Irosin sa konteksto ng dehital na panahon. Tinukoy sa pag-aaral ang mga karaniwang suliraning gramatikal na natagpuan sa kanilang mga akademikong sulatin, sinuri ang impluwensiya ng mga platapormang dehital sa estilo at antas ng pormalidad ng pagsulat, at tinalakay ang mga implikasyon nito sa pagpapaunlad ng kasanayan sa wikang Filipino. Gumamit ang pag-aaral ng kwalitatibong deskriptibong disenyo na sinuportahan ng pagsusuring nilalaman at tematikong analisis. Labindalawang (12) mag-aaral ang napiling kalahok sa pamamagitan ng purposive sampling, at ang kanilang mga sanaysay ang nagsilbing pangunahing datos. Batay sa resulta ng pagsusuri, natukoy na ang pinakakaraniwang kamaliang gramatikal ay maling baybay at maling paghahati ng salita na may bahagdan na 38.5%. Sinundan ito ng maling paggamit ng pandiwa (21.1%), di-wastong pagbuo ng pangungusap (17.6%), maling paggamit ng pangatnig (12.3%), at paggamit ng balbal, impormal na wika, netspeak, at code-switching (10.5%). Ipinakita rin ng pag-aaral na may malinaw na impluwensiya ang dehital na wika sa akademikong pagsulat ng mga kalahok. Sampu (10) sa labindalawang (12) mag-aaral ang karaniwang gumagamit ng impormal na ekspresyon at netspeak, walo (8) ang umaaming gumagamit ng pagpapalit-wika, at siyam (9) ang nakapansin ng pagbaba ng antas ng pormalidad ng kanilang mga sulatin. Dagdag pa rito, labing-isa (11) ang nagsabing nadadala ang impormal na anyo ng dehital na wika sa pormal na pagsulat. Batay sa mga natuklasan, binibigyang-diin ng pag-aaral ang pangangailangan ng mas sistematikong pagtuturo ng gramatika, makabuluhang integrasyon ng mga dehital na kasangkapan sa edukasyon, at patuloy na pagsasanay ng mga guro upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng akademikong pagsulat sa wikang Filipino.
Keywords: gramatikal na kasanayan, akademikong pagsulat, dehital na wika, Filipino, edukasyon
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26008
Cite this article:
Amascual, M. B., Polo, S. J. D. L. R., & Marbella, F. D. (2026). Filipino sa dehital na panahon: Gramatikal na analisis sa kasanayan sa pagsulat. International Journal of Research Studies in Education, 15(1), 137-149. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26008
* Corresponding Author
