2026 IJRSE – Volume 15 Issue 1
Available Online: 10 January 2026
Author/s:
Guantero, Norelyn
Macalaya National High School, Philippines (norelyn.esquibel@deped.gov.ph)
Llaguno, Sarah
Oras Elementary School, Philippines (sarah.llaguno@deped.gov.ph)
Granadil, Archie
Sigad Elementary School, Philippines (archie.granadil@deped.gov.ph)
Marbella, Felisa D.*
Sorsogon State University, Philippines (felisa.marbella@sorsu.edu.ph)
Abstract:
Sinuri sa pag-aaral na ito ang diskurso ng wika sa social media, partikular sa mga gurong influencer, sa pamamagitan ng pagsusuri ng kanilang bokabularyo at diskursibong estratehiya batay sa experiential, relational, at expressive values, pati na rin ang paggamit ng metapora. Gumamit ang pananaliksik ng kwalitatibong disenyo ng pananaliksik na nakabatay sa Critical Discourse Analysis (CDA) ni Fairclough (1992, 2015) upang maunawaan ang ugnayan ng wika, kapangyarihan, at ideolohiya sa dihital na espasyo. Binubuo ang corpus ng limang piling bidyo mula sa Facebook, TikTok, at YouTube na aktibong naglalathala ng nilalamang pang-edukasyon, na sinuri gamit ang lexical analysis at thematic coding. Ipinakita ng pagsusuri na ang mga gurong influencer ay sistematikong gumagamit ng bokabularyong nakabatay sa karanasan, ugnayan, at emosyon, na sinusuportahan ng malikhaing metapora at language play. Ang experiential values ay naglalarawan ng hands-on na proseso at konkretong karanasan sa pagtuturo, habang ang relational values ay nagpapalakas ng sense of community, inclusion, at participatory culture. Samantala, ang expressive values ay nagpapahayag ng emosyon, ideolohiya, at personal na pananaw na nakakaapekto sa pakikipag- ugnayan at tiwala ng manonood. Natuklasan din na ang metapora at malikhaing paggamit ng wika ay epektibong nagtataguyod ng pag- unawa, motibasyon, at kabuuang pagkatuto. Nagbigay ang pag-aaral ng pedagohikal na mungkahi para sa edukasyong pangwika at pangmidya, kabilang ang sistematikong pagsasanay ng mga guro upang maging epektibong digital content creators at ang integrasyon ng experiential, relational, at expressive strategies sa video-based instruction. Ang resulta ng pananaliksik ay nagbibigay ng kontribusyon sa pedagohiyang dihital at media literacy
Keywords: diskurso ng wika, social media, gurong influencer, critical discourse analysis, pedagohikal na mungkahi
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26003
Cite this article:
Guantero, N., Llaguno, S., Granadil, A., & Marbella, F. D. (2026). Diskurso ng wika sa social media: Isang kritikal na pagsusuri sa wika. International Journal of Research Studies in Education, 15(1), 107-121. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26003
* Corresponding Author
