2026 IJRSE – Volume 15 Issue 7
Available Online: 9 March 2026
Author/s:
Catipay, Trina Marie A.
Cebu Normal University, Philippines (catipayt@cnu.edu.ph)
Abstract:
Ang paniniwala sa mga aswang ay bahagi ng malalim na tradisyong oral ng mga Pilipino na naipasa mula sa iba’t ibang henerasyon. Ito ay nagkaroon ng malaking impluwensiya sa kultura at moral na paghubog ng mga Pilipino lalong lalo na ang mga bata, gayundin sa malikhaing pagpapahayag sa panitikan at pelikula. Bagaman maraming pag-aaral ang tumalakay sa mitolohiyang Pilipino at ang epekto nito sa paniniwala ng tao, limitado pa rin ang pananaliksik sa sikolohikal na aspekto ng mga karakter na may temang aswang sa pelikula. Ang pag-aaral na ito ay tumuon sa pelikulang Corazon: Ang Unang Aswang ni Richard Somes upang suriin ang pangkatauhang transpormasyon ng pangunahing tauhan at ang kaugnayan nito sa sikolohikal na tunggalian. Ginamit ang kwalitatibong pamamaraan, partikular ang pagsusuri ng nilalaman, upang masusing pag-aralan kung paano ipinakita ng pelikula ang unti-unting pagbabago ng katauhan ng tauhan at ang kaniyang panloob na pagdurusa. Sa pamamagitan ng dulog sikolohikal, natuklasan sa pananaliksik na ang metamorphosis ng tauhan ay hindi lamang simpleng pagpapalit ng anyo kundi isang masalimuot na proseso ng emosyonal at mental na pagbabago. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong palawakin ang kaalaman sa panitikang pampelikula at maunawaan ang mas malalim na kahulugan ng tauhan sa konteksto ng panlipunan at sikolohikal na reyalidad.
Keywords: aswang, pelikula, Corazon: Ang Unang Aswang, sikolohikal
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26823
Cite this article:
Catipay, T. M. A. (2026). Mula tao patungong aswang: Ang paglalakbay ng pangkatauhang transpormasyon sa pelikulang “Corazon: Ang unang aswang”. International Journal of Research Studies in Education, 15(6), 101-109. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26823
