Antas ng kakayahang pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral sa Baitang 10 batay sa PISA Reading Literacy Framework

2026 IJRSE – Volume 15 Issue 19

Available Online 14 August 2026

Author/s:

De Mesa, Alvin R.*
Leyte Normal University, Philippines (ar_demesa@ymail.com)

Pedotera, Aldrin M.
Leyte Normal University, Philippines (rcps0315@gmail.com)

Abstract:

Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang antas ng kakayahang pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral sa Baitang 10 batay sa PISA Reading Literacy Framework at ihambing ito sa kanilang kasalukuyang antas ng pagbasa batay sa Phil-IRI. Gumamit ang pag-aaral ng deskriptibong-komparatibong disenyo at discrepancy analysis. Walumpung (80) mag-aaral mula sa dalawang pampublikong paaralan ang naging respondente. Ginamit ang umiiral na resulta ng Phil-IRI ng mga kalahok at isang PISA-based Reading Assessment Tool na sumusukat sa tatlong kognitibong proseso: paghahanap ng impormasyon, pag-unawa, at pagsusuri at pagninilay. Ang instrumento ay sumailalim sa content at face validation at nakapagtala ng Cronbach’s Alpha na .894 matapos ang pilot testing. Batay sa resulta, 18 mag-aaral ang nakategoryang Independent, 42 Instructional, at 20 Frustration sa Phil-IRI, samantalang 10, 43, at 27 mag-aaral naman ang napabilang sa parehong kategorya batay sa PISA-based assessment. Labinlima (15) o 18.75% ng mga mag-aaral ang nakaranas ng pagbaba ng kategorya sa mas komplikadong pagtataya. Gayunpaman, natukoy ang malakas na positibong ugnayan sa pagitan ng dalawang panukat (r = .788, p < .001). Ipinakikita nito na bagama’t magkaugnay ang pagganap sa dalawang pagtataya, hindi ganap na nasasalamin ng isang panukat ang lahat ng dimensiyon ng reading literacy. Samakatuwid, iminumungkahi ang paggamit ng Phil-IRI kasama ng iba pang angkop na pagtataya, kabilang ang mga panukat na nakaangkla sa PISA Reading Literacy Framework, upang magkaroon ng mas komprehensibong pagtataya at mas angkop na batayan sa pagpapaunlad ng kakayahang pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 10

Keywords: Phil-IRI, PISA Reading Literacy Framework, reading literacy, reading comprehension, reading assessment tool

PDF

DOIhttps://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26386

Cite this article:
De Mesa, A. R., & Pedotera, A. M. (2026). Antas ng kakayahang pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral sa Baitang 10 batay sa PISA Reading Literacy Framework. International Journal of Research Studies in Education, 15(19), 143-151. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26386

* Corresponding Author