Learning Activity Packet: Pagpapaunlad ng kaalaman ng mga mag-aaral sa panitikang Pilipino

2026 IJRSE – Volume 15 Issue 19

Available Online 14 August 2026

Author/s:

De Mesa, Alvin R.*
Leyte Normal University, Philippines (ar_demesa@ymail.com)

Padiwan, Ray Vincent R.
Philippine Science High School -Eastern Visayas Campus in Leyte, Philippines (rayvincentrpadiwan@gmail.com)

Abstract:

Ang pagsusulit ay isang mahalagang gawain sa pagsukat ng kaalamang natamo ng mga mag-aaral at ang pagiging epektibo ng guro sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto. Higit na nagiging makabuluhan ang naturang proseso kung ang paghahatid ng karunungan ay nakasalig sa interes ng mga mag-aaral upang maging magaan ang kanilang pagkatuto. Ang kasalukuyang pag-aaral ay isinakatuparan sa pamamagitan ng Learning Activity Packet bilang panukalang interbensyon. Lumabas sa resulta ng pananaliksik na ang nabanggit na estratehiya ay epektibo sa pagpapaunlad ng kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa Panitikang Pilipino. Makikita ito mula sa markang kanilang nakuha sa pauna at panghuling pagsusulit na ang magandang pagbabago sa iskor ay natamo matapos isagawa ang interbensyon na uminog sa mga nilalaman kaugnay ng karunungang-bayan, awiting-bayan, at kuwentong-bayan. Sa madaling sabi, naipakita sa pananaliksik na ito ang pagiging epektibo ng LAP sa pag-unlad ng kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral. Bukod pa, inirekomenda rin sa pag-aaral na ito na magsagawa pa ng mga interbensyon na may kaugnayan sa Panitikang Pilipino, ngunit gamit naman ang ibang lunsaran.

Keywords: interbensyon, learning activity packet, lunsaran, pagsusulit, panitikan

PDF

DOIhttps://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26384

Cite this article:
De Mesa, A. R., & Padiwan, R. V. R. (2026). Learning Activity Packet: Pagpapaunlad ng kaalaman ng mga mag-aaral sa panitikang Pilipino. International Journal of Research Studies in Education, 15(19), 153-162. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26384

* Corresponding Author