2026 IJRSE – Volume 15 Issue 14
Available Online: 14 June 2026
Author/s:
Acala, Michell T.
Leyte Normal University, Philippines (michellet_acala@lnu.edu.ph)
Abstrak:
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang mga simbolikong kahulugan ng San Juanico Bridge batay sa iba’t ibang salaysay at kuwentong-bayan ng mga Waray. Ginamit sa pananaliksik ang kwalitatibo-deskriptibong disenyo upang mailarawan at mabigyang-kahulugan ang mga simbolismong nakapaloob sa mga kuwentong may kaugnayan sa tulay. Sa pangangalap ng datos, ginamit ng mananaliksik ang purposive sampling sa pagpili ng mga impormanteng katutubo o residente ng Leyte at Samar, may edad na animnapu’t lima (65) pataas, may kaalaman sa mga salaysay hinggil sa Tulay ng San Juanico, at naninirahan sa mga bayan na malapit sa tulay. Isinaalang-alang din ang mga pamantayang etikal sa pakikitungo sa mga impormante. Mula sa labimpitong (17) nakalap na bersiyon ng mga salaysay, natuklasan sa pag-aaral na ang San Juanico Bridge ay hindi lamang isang estrukturang nag-uugnay sa Leyte at Samar kundi isang mahalagang sagisag ng pag-ibig, ugnayang pangkultural, pambansang kaunlaran, katatagan ng mga Waray, pamilya, paniniwala, at mga mithiin. Ipinakita rin ng pagsusuri na ang mga salaysay tungkol sa tulay ay nagsisilbing tagapag-ingat ng kolektibong alaala, mga pagpapahalaga, at pagkakakilang pangkultura ng mga Leyteño at Samareño. Higit pa rito, pinatutunayan ng pag-aaral na ang kuwentong-bayan at tradisyong pasalita ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng kulturang Waray at sa pagpapasa ng mga paniniwala at pagpapahalaga mula sa isang henerasyon tungo sa susunod. Sa kabuuan, pinagtitibay ng pag-aaral na ang San Juanico Bridge ay isang buhay na simbolo ng kulturang Waray at mahalagang bahagi ng kolektibong kamalayan ng mga mamamayan ng Silangang Visayas.
Mga Susing Salita: San Juanico Bridge, simbolismo, kuwentong-bayan, kulturang Waray, Leyteño, Samareño
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26253
Cite this article:
Acala, M. T. (2026). Mula kasaysayan hanggang salaysay: Pagdalumat sa simbolismo ng San Juanico Bridge sa buhay ng mga Leyteño at Samareño. International Journal of Research Studies in Education, 15(14), 157-170. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26253
