2026 IJRSE – Volume 15 Issue 14
Available Online: 3 June 2026
Author/s:
Yape, Alyssa Marie C.
Leyte Normal University, Philippines (alyssayape18@gmail.com)
Abstract:
Ang literasiya ay mahalagang pundasyon ng pagkatuto, lalo na sa pagbasa at pag-unawa, ngunit nananatiling hamon ang mababang antas nito sa mga mag-aaral sa mababang baitang sa Pilipinas. Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang bisa ng Choral Reading at Individual Reading sa pagpapataas ng antas ng pag-unawa sa Filipino ng mga mag-aaral sa Baitang 3. Gumamit ito ng kwantitatibong pamamaraan sa pamamagitan ng pretest-posttest design na kinasasangkutan ng tatlumpung (30) mag-aaral na pinili gamit purposive sampling batay sa resulta ng ELNA. Sa disenyong ito, hinati ang mga kalahok sa dalawang pangkat. Isang eksperimental na pangkat kung saan dito ilalapat ang dalawang etratehiya na Choral Reading at Individual Reading. Samantala, isang control group na kung saan hindi nakatanggap ng kahit na anong treatment o estratehiya. Ginamit pagsusulit ang adopt na talatanungan mula sa Phil-IRI bilang instrumento. Sa pagsusuri ng datos, ginamit ang mean, standard deviation, at Wilcoxon Signed Rank Test upang masukat ang pagkakaiba ng mga datos. Ipinakita ng resulta na kapwa may makabuluhang pagkakaiba at epekto ang Choral Reading at Individual Reading sa pagpapahusay ng kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral.
Keywords: individual reading, choral reading, literasi, estratehiya, antas ng pag-unawa
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26246
Cite this article:
Yape, A. M. C. (2026). Pagsusuri sa Bisa ng ChoRe at Ire: Antas ng pag-unawa sa asignaturang Filipino ng mga mag-aaral sa Baitang 3. International Journal of Research Studies in Education, 15(14), 63-69. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26246
