ARAL Program: Isang paglalarawan ng karanasan ng mga mag-aaral at mga implikasyon nito sa pagkatuto sa Filipino

2026 IJRSE – Volume 15 Issue 14

Available Online:  4 June 2026

Author/s:

Mendros, Deisyryne J.
Leyte Normal University, Philippines (deisyryne@gmail.com)

Abstract:

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang karanasan ng mga mag-aaral sa ilalim ng ARAL Program at ang mga implikasyon nito sa kanilang pagkatuto sa Filipino. Mayroon lamang itong sampung (10) kalahok na ginamitan ng purposive sampling. Ang pagkalap ng datos ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pananayam habang ginamit naman ang thematic analysis para sa pag-aanalisa ng mga datos. Lumabas sa resulta ng pag-aaral ang karanasan ng mga mag-aaral sa mababang kasanayan sa pagbasa, pagsulat, pag-unawa at limitadong bokabularyo bilang hamon sa pagkatuto. Ang mga pagbabasa, pagsasanay, mga interaktibong gawain ay hindi lamang nagpa-unlad sa kanilang akademikong pagganap kundi pagtaas din ng kumpiyansa sa sarili at motibasyon na matuto. Kaya naman, ang pananaliksik ay iminumungkahi ang iba’t ibang kagamitang panturo tungo sa mas makabuluhan at epektibong proseso ng pagtuturo-pagkatuto na pupunan sa kakulangan, pangangailangan at interes ng mga mag-aaral.

Keywords: ARAL Program, karanasan, implikasyon, iba’t ibang kagamitang panturo

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26242

Cite this article:
Mendros, D. J. (2026). ARAL Program: Isang paglalarawan ng karanasan ng mga mag-aaral at mga implikasyon nito sa pagkatuto sa Filipino. International Journal of Research Studies in Education, 15(14), 71-81. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26242