2026 IJRSE – Volume 15 Issue 12
Available Online: 14 May 2026
Author/s:
Cinco, Stephen P.
Leyte Normal University, Philippines (prongotpain@gmail.com)
Abstract:
Ang mga kabataan sa kasalukuyang panahon ay medyo nahihirapan sa pagkatuto ng asignaturang Filipino lalo na ang mga mag-aaral sa isang pribadong paaralan na ang wikang ginagamit ay Ingles. Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang mga hamon ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng asignaturang Filipino, Anong paraan ang gingamit sa pagkatuto sa asignatura, at ano ang mga mungkahi ng mga mag-aaral sa lubusang pagkatuto ng asignaturang Filipino. Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibong pananaliksik na ginamitan ng pamaraang Descriptive Qualitative Approach. Lumabas sa pagsusuri na ang ma hamon na kinakaharap ng mga mag-aaral ay ang matandaan ang mga kahulugan ng mga salita, lalim ng salita, bilis ng pagtalakay, at ang nahihirapan sa pagsasalita. Ang mga naging epekto naman nito ay ang pagbaba ng marka, kawalan ng kompyansa sa sarili, nahihirapan sa pagsasagot, at wala masyadong epekto. Lumabas din sa pagsususri na ang mga paraan ng pagkatuto ay ang pagninilay at pagtatanon, patala ng mga bagong salita, paggamit ng internet at aklat, pagsali sa mga gawain at pagbibigay ng halimbawa ng guro. habang ang mga mungkahi naman ay ang pagbabasa ng mga aklat, mga akademikong laro, mga dula-dulaan at ang mas maraming gawain at pagsasanay. Bilang rekomendasyon palawakin pa ang pagsusuri tungkol sa mga hamon ng pagkatuto, pagbibigay ng ideya para sa panibagong ideya ng pagkatuto, at ang pakiggan ang mga mungkahi ng mga kalahok sa pagkatuto ng asignaturang Filipino.
Keywords: hamon, paraan, asignaturang Filipino
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26194
Cite this article:
Cinco, S. P. (2026). Filipino sa ilalim ng banyagang tinig: Paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino. International Journal of Research Studies in Education, 15(12), 63-74. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26194
