2026 IJRSE – Volume 15 Issue 11
Available Online: 6 May 2026
Author/s:
Genova, Sherilyn V.*
Sorsogon State University, Philippines (Sherilyn.genova@deped.gov.ph)
Jolo, Richelda P.
Sorsogon State University, Philippines (jolo.richelda@sorsu.edu.ph)
Abstract:
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makalap at masuri ang mga karunungang-bayan na ginagamit ng mga mag-aaral sa Baitang 7 ng Distrito ng Magallanes, Sorsogon, taong Panuruan 2025-2026. Gumamit ang mananaliksik ng kuwalitatib-deskriptibong disenyo, kung saan ang mga datos ay nakalap mula sa 46 mag-aaral sa tatlong (3) publikong sekondaryang paaralan, gamit ang purposive sampling at interbyu iskedyul. Inanalisa ang mga datos sa pamamagitan ng contextualized thematic analysis, at isinagawa ang member checking upang matiyak ang katumpakan ng interpretasyon. Lumabas sa pag-aaral na ang mga karunungang-bayan gaya ng kasabihan, salawikain, sawikain, bugtong at palaisipan ay aktibong ginagamit at isinabubuhay ng mga mag-aaral, at nagsisilbing mahalagang gabay sa paghubog ng kanilang asal, pananampalataya, disiplina, at pagmamalasakit sa sariling kultura. Iminumungkahi ng pananaliksik na patuloy na isama at pagyamanin ang pagtuturo ng karunungang-bayan sa mga asignatura sa Filipino at hikayatin ang aktibong partisipasyon ng mga guro, magulang, at komunidad upang mapanatili ang mayamang pamanang kultural ng mga Pilipino.
Keywords: kalipunan ng mga karunungang-bayan, karunungang-bayan, tuklas-suri
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26157
Cite this article:
Genova, S. V., & Jolo, R. P. (2026). Tuklas-suri ng mga karunungang-bayan. International Journal of Research Studies in Education, 15(11), 17-43. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26157
* Corresponding Author
