Tula sa makabagong panahon: Isang Phenomenolohikal na pag-aaral sa karanasan ng mga Guro

2026 IJRSE – Volume 15 Issue 12

Available Online:  15 May 2026

Author/s:

De Ramon, Natividad L.*
Sorsogon State University, Sorsogon, Philippines (deramon.natividad@sorsu.edu.ph)

Marbella, Felisa D.
Sorsogon State University, Sorsogon, Philippines (Felymarbella03@gmail.com)

Mariano, Sharon D.
Sorsogon State University, Sorsogon, Philippines (sharondivinamariano@gmail.com)

Abstract:

Sa kabila nɡ dumaraminɡ pananaliksik hinggil sa pagtuturo ng asignaturang Filipino, nanatilinɡ kulang ang mga pag-aaral na tumutugon partikular sa phenomenolohikal na karanasan ng mga guro, ang mga umiiral na pananaliksik ay nakasentro sa tradisyonal na anyo ng panulaan. Samantalang ang kasalukuyang pag-aaral ay tungkol sa tula sa makabagong panahon: isang phenomenolohikal na pag-aaral sa karanasan ng mga guro. Ang disenyong ginamit ng pananaliksik ay kwalitatibong at phenomenologikal approach. Ang layunin ng pananaliksik ay alamin at unawain ang mga karanasan, pananaw at damdamin ng mga guro hinggil sa paggamit ng tula sa pagtuturo sa makabagong panahon bilang susi sa pagkatuto sa kontemporaryong panahon. Sa ginawang pag-aaral nakita na ang pagtuturo at paggamit ng tula sa makabagong panahon ay dumaraan sa mahalagang pagbabago. Hindi lamang nakasentro ang mga guro sa tradisyunal na pagbasa at pagsusuri ng tula, kundi higit na ginagamit ang teknolohiya, digital platforms at malikhaing estratehiya gaya ng spoken word poetry at video presentation upang gawin mas makabuluhan at interaktibo ang karanasan ng mga mag-aaral. Napatunayan din na ang mga mag-aaral ay positibong tumutugon sa mga tulang may temang panlipunan, lalo na kung ito’y ipinapahayag sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Dahil dito, higit nilang makikita ang tula bilang mabisang daluyan ng pagbabahagi ng damdamin, opinyon, at pakikiisa sa lipunan. Natukoy sa ginawang pag-aaral ang dual role ng tula sa kasalukuyan: una, bilang tagapagdala ng tradisyon at kultura, pangalawa, bilang espasyo ng inobasyon at kritikal na pag-iisip. Isa pang natatanging tuklas ang malinaw na paglutang ng hamon na kinakaharap ng mga guro-ang kakulangan ng interest ng ilang mag-aaral sa tradisyon na tula, na higit nanaakit sa visual at digital media. Gayunpaman, lumitaw na ang paggamit ng tula’y may malawak na benepisyo hindi lamang sa larangan ng wika at pagbasa, kundi maging sa paglinang ng empatiya, malikhaing kasanayan, at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral.

Keywords: tula, karanasan, pagkatuto, phenomenolohikal, panahon

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26151

Cite this article:
De Ramon, N. L., Marbella, F. D., & Mariano, S. D. (2026). Tula sa makabagong panahon: Isang Phenomenolohikal na pag-aaral sa karanasan ng mga Guro. International Journal of Research Studies in Education, 15(12), 101-107. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26151

* Corresponding Author