2026 IJRSE – Volume 15 Issue 9
Available Online: 5 May 2026
Author/s:
Ompad, Grace Flor*
Sorsogon State University, Philippines (graceflorompad@gmail.com)
Jolo, Richelda Porlaje
Sorsogon State University, Philippines (jolo.richelda@sorsu.edu.ph)
Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay may layuning alamin ang danas ng mga mag-aaral sa baiting 8 sa paggamit ng AI sa asignaturang Filipino at ang pedagohikal na implikasyon ng paggamit nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ginamit sa pag-aaral ang disenyong penomenolohikal sa ilalim ng kalikasang kuwalitatibo at gumamit ng purposive sampling technique upang pumili ng mga kalahok. Sa pamamagitan ng interbyu at focus-group-discussion (FGD) nalaman na karaniwan ginagamit ay cici/dola, meta-AI, chatGPT, google AI, at tiktok tako. Gayundin, ginagamit ng mga mag-aaral ang AI sa mga takdang-aralin, mga araling mahirap maintindihan, mga proyekto, at pagsalin ng malalim na maging simple. Karagdagan rito, ang mga hamong kinaharap ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga AI tools ay hindi tumpak o mali ang sagot na ibinibigay ng AI at nagiging palaasa ang mga ito sa AI. Sa pedagohikal na implikasyon ng AI, ito ay nakakatulong upang makabuo ng interaktibong aralin, napapaikli sa oras, at pagbibigay ng mga dagdag na halimbawa ng aralin. Samantala, ayon sa mga guro, ang mga hamong kinaharap ng mga mag-aaral sa paggamit ng AI tools ay sobrang pagdepende sa mga ito at nagiging hadlang ang AI sa pag-unlad ng kritikal at analitikal na kakayahan ng mga mag-aaral. Inirerekomenda nilang limitahan ang paggamit ng AI at magtalaga ng mga tuntunin ang mga guro ukol dito.
Keywords: AI, danas, implikasyon, penomenolohikal, AI at ako
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26144
Cite this article:
Ompad, G. F., & Jolo, R. P. (2026). Penomenolohikal na pag-aaral sa paggamit ng AI ng mga mag-aaral sa Filipino. International Journal of Research Studies in Education, 15(9), 271-301. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26144
* Corresponding Author
