Panitikang Sorsoganon: Materyal sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsusuri ng tekstong tuluyan

2026 IJRSE – Volume 15 Issue 8

Available Online:  17 April 2026

Author/s:

Rey, Pinky E.*
Sorsogon State Univeristy, Philippines (estarespinky.pe@gmail.com)

Tatad, Diana Joy P.
Felomino D. Deramas Integrated School, Philippines (dianajoypante17@gamil.com)

Abstract:

Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang antas ng kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa pagsusuri ng tekstong tuluyan batay sa pag-unawa sa nilalaman, kritikal na pagsusuri, organisasyon at lohika ng mga pahayag, paggamit ng ebidensya mula sa teksto, at wika at estilo ng pagsusulat. Ginamit ang deskriptibong disenyo ng pananaliksik upang matukoy ang nasabing antas at makabuo ng angkop na kagamitang panturo na makatutulong sa pagpapaunlad ng kasanayang ito. Lumahok sa pag-aaral ang 56 na mag-aaral ng BSED Filipino mula sa iba’t ibang taon sa Sorsogon State University, na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Ginamit ang talatanungan at rubrik nina Arrogante (2007) at Anderson et al. (2001) upang masukat ang limang aspeto ng pagsusuri. Ang mga piling Panitikang Sorsoganon ang ginamit bilang batayang teksto upang gawing mas kontekstuwalisado at makabuluhan ang pagsusuri. Tiniyak din sa pag-aaral ang pagsunod sa mga prinsipyong etikal tulad ng informed consent, boluntaryong paglahok, at pagsunod sa Data Privacy Act of 2012. Ang mga sagot ng mga mag-aaral ay sinuri ng tatlong hurado upang matiyak ang pagiging patas at obhetibo ng pagmamarka. Ang mga nakuhang resulta ay ginamit bilang batayan sa pagbuo at pagpapahusay ng kagamitang panturo, na kalaunan ay sumailalim sa ebalwasyon ng mga eksperto upang matiyak ang kalidad, kaangkupan, at bisa nito sa pagtuturo. Ipinakita ng pag-aaral na ang mga mag-aaral ay may katamtaman hanggang mataas na antas ng kaalaman at kasanayan sa pagsusuri ng tekstong tuluyan, bagaman may ilang aspeto na nangangailangan pa ng pagpapalalim. Napatunayan din na ang paggamit ng lokal na panitikan ay nakatutulong upang maging mas makabuluhan ang pagkatuto at mapaunlad ang kritikal na pag-iisip. Ipinahihiwatig nito na ang integrasyon ng Panitikang Sorsoganon ay mahalaga sa pagpapalakas ng literasiya, pagpapahalaga sa kultura, at paghubog ng identidad ng mga mag-aaral.

Keywords: materyal, pagsusuri, panitikang Sorsoganon, tekstong tuluyan, kasanayan

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26113

Cite this article:
Rey, P. E., & Tatad, D. J. P. (2026). Panitikang Sorsoganon: Materyal sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsusuri ng tekstong tuluyan. International Journal of Research Studies in Education, 15(8), 271-286. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26113

* Corresponding Author