2026 IJRSE – Volume 15 Issue 8
Available Online: 20 March 2026
Author/s:
Ada, Hazel C.*
Department of Education, Philippines (hazel.ada@deped.gov.ph)
Marbella, Felisa D.
Sorsogon State University, Philippines (felisa.marbella@sorsu.edu.ph)
Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong linangin ang kasanayang morpoponemiko at semantika ng mga mag-aaral sa Baitang 7 sa pamamagitan ng pagbuo, balidasyon, at ebalwasyon ng MORSEMIK: Sanayang Papel sa Paglinang sa Pang-unawang Morpoponemiko at Semantika. Ginamit ang deskriptib-debelopmental na disenyo upang sistematikong masuri ang kaalaman ng mga mag-aaral sa morpoponemiko at semantika, na batay sa pagsusuri ng kanilang mga sinulat na pasalaysay at impormatibong talata. Kabilang sa proseso ang balidasyon ng materyal mula sa mga dalubguro at tagapamahala, at panayam sa mga piling mag-aaral upang matukoy ang bisa at kaangkupan ng kagamitan. Ipinakita ng resulta na maraming mag-aaral ang may limitadong kaalaman sa ilang aspeto ng morpoponemiko at semantika, partikular sa paggamit ng laguhan, balintiyak na aspekto ng pandiwa, at ilang uri ng pokus ng pandiwa. Napatunayan sa pagsusuri ng mga eksperto at mag-aaral na ang MORSEMIK ay malinaw ang pormat, madaling gamitin, at akma sa antas ng mga mag-aaral. Lubos na tinanggap ito ng mga kalahok at eksperto, bagama’t may mungkahing pagdagdag ng mga gawain at larawan upang higit na mapalawak ang kaalaman. Inirerekomenda ng pag-aaral ang patuloy na paggamit ng MORSEMIK bilang modelo ng kagamitang panturo sa Filipino at higit pang pagpapayaman ng materyal. Sa kabuuan, ipinakita ng pag-aaral na ang sistematikong paglinang ng morpoponemiko at semantika ay mahalaga sa paghubog ng kasanayang komunikatibo ng mga mag-aaral, tungo sa mas mahusay na akademikong pagganap at aktibong pakikilahok sa lipunan.
Keywords: morpoponemiko, Morsemik, pagsusuri, semantika, talata
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26110
Cite this article:
Ada, H. C., & Marbella, F. D. (2026). MORSEMIK: Paglinang sa pang-unawang Morpoponemiko at Semantika. International Journal of Research Studies in Education, 15(8), 1-21. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26110
* Corresponding Author
