Mga iral at aral sa pagsulat ng tula ng mga guro sa unang distrito ng Irosin

2026 IJRSE – Volume 15 Issue 8

Available Online:  10 April 2026

Author/s:

Bordeos, Marc Nolan F.*
Sorsogon State University, Philippines (marcnolan.bordeos@deped.gov.ph)

Marbella, Felisa D.
Sorsogon State University, Philippines (felisa.marbella@sorsu.edu.ph)

Abstract:

Natitiyak sa pag-aaral na ito ang mga iral at aral sa pagsulat ng tula ng mga guro sa Unang Distrito ng Irosin, taong panuruan 2024 – 2025. Deskriptibong disenyo ang ginamit ng mananaliksik sa paglikom ng mga datos na kinailangan sa pag-aaral. Purposive saapling ang ginamit sa pagpili ng 20 na kalahok. Ang mga datos na nalikom ay sinuri at binigyang interpretasyon sa pamamagitan ng thematic analysis. Ayon sa resulta at pagtalakay ng pag-aaral na ito, ang mga tulang naisulat ng mga guro ay nagpapakita ng ugnayan ng form (saknong at taludtod), language, at content, kung saan ang wika at estruktura ay nagiging daan sa mas malayang ekspresyon ng damdamin, pagpapalawak ng kultural na kamalayan, at pagtuturo ng moral at sosyal na aral. Ipinapakita sa pagsusuri na ang mga guro ay nahaharap sa seryosong hamon sa pagsulat ng tula dulot ng kakulangan sa oras, limitadong kaalaman sa mga anyo at elemento ng tula, kakulangan sa kasanayan sa paggamit ng tayutay at larawang-diwa, at mababang institusyonal na rekognisyon at suporta, na nagreresulta sa limitadong malikhaing pag-unlad at epekto sa kalidad ng pagtuturo sa panitikan. Samakatuwid, inirerekomenda na dapat hikayatin ang mga guro na patuloy na magsulat at mag-eksperimento sa iba’t ibang anyo ng tula. Dapat palakasin ang institusyonal na suporta sa pamamagitan ng regular na workshop, seminar, at pagkilala sa malikhaing pagsulat ng mga guro, kasabay ng pagbibigay ng sapat na oras at training sa iba’t ibang anyo at elemento ng tula. Inirerekomenda ang paggamit ng “Gabay sa Pagsulat at Pang-unawa sa Tula,” bilang karagdagang sanggunian at materyal sa pagtuturo at pananaliksik sa hinaharap.

Keywords: aral, blangko berso, hamon, iral, tula

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26055

Cite this article:
Bordeos, M. N. F., & Marbella, F. D. (2026). Mga iral at aral sa pagsulat ng tula ng mga guro sa unang distrito ng Irosin. International Journal of Research Studies in Education, 15(8), 201-214. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26055

* Corresponding Author