2026 IJRSE – Volume 15 Issue 1
Available Online: 24 January 2026
Author/s:
Manozo, Christopher De Guia*
Ramon T. Diaz National High School, Philippines (christopher.manozo@deped.gov.ph)
Marbella, Felisa Doctama
Sorsogon State University, Philippines (felisa.marbella@sorsu.edu.ph)
Abstract:
Layunin ng pag-aaral na ito na mailarawan at masuri ang kasaysayan, kultura, tradisyon, at implikasyon ng Bangahon-Karabaw Festival sa bayan ng Gandara, Samar. Gumamit ang mananaliksik ng deskriptibo-kuwalitatibong disenyo at nangalap ng datos mula sa 60 kalahok gamit ang purposive at maximum variation sampling. Isinagawa ang panayam, focus group discussion, obserbasyon, at dokumentong pagsusuri bago, habang, at pagkatapos ng festival. Ginamit ang tematik-analisis upang tukuyin ang temang lumitaw mula sa mga sagot. Lumabas sa pag-aaral na ang festival ay nag-ugat sa agrikultural na pamumuhay ng mga Samareño, partikular sa mahahalagang ambag ng kalabaw sa kabuhayan. Napatunayan ding ang mga kuwento, tauhan, at props sa festival ay sumasalamin sa kultural na identidad ng komunidad at sa pananampalataya at kasaysayan ng Lumang Bangahon. Dagdag pa rito, natukoy ang malawak na implikasyon ng festival sa turismo, kabuhayan, at pagkakaisa ng mga mamamayan, alinsunod sa Social Capital Theory. Mula sa datos, nabuo ang Teoryang GANDARA (Gawaing Angkop Naipamanang Diwa ng Aral, Ritwal, at Atraksyon) na naglalarawang ang matagumpay na festival ay nakaugat sa aral, ritwal, at atraksyon bilang pamanang kultural. Inirerekomenda sa mga paaralan na gamitin ang naging resulta ng pag-aaral sa pagtuturo ng lokal na kasaysayan at kultura, isama ang festival sa lokal na kurikulum, at hikayatin ang kabataan na aktibong lumahok upang mapalalim ang kanilang kultural na pagkakakilanlan. Para sa mga magsasaka at may-ari ng kalabaw, iminumungkahi ang pagsasagawa ng seminar tungkol sa pangkabuhayan at pagpapatibay ng pakikipag-ugnayan sa LGU upang lalo pang maipakita ang agrikultura bilang pangunahing haligi ng festival. Para sa mga susunod na mananaliksik, inirerekomenda ang paglawak ng pag-aaral sa pamamagitan ng komparatibong analisis sa ibang festival sa rehiyon, paggamit ng ethnographic approach para sa mas malalim na dokumentasyon ng karanasan ng komunidad, at pagsusuri sa gender roles, impluwensiya ng relihiyon, at impak ng ekonomiya bilang hiwalay na larangan ng pananaliksik.
Keywords: Bangahon Karabaw Festival, implikasyon, kasaysayan, kultura, tradisyon
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26016
Cite this article:
Manozo, C. D. G., & Marbella, F. D. (2026). Bangahon Karabaw Festival: Salamin ng mayamang kultura at tradisyon ng mga Samareňo. International Journal of Research Studies in Education, 15(1), 197-212. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26016
* Corresponding Author
