Modernisasyon sa wikang Filipino: Pagsusuri sa perspektibong sikolohikal na pananaw

2026 IJRSE – Volume 15 Issue 1

Available Online:  10 January 2026

Author/s:

Huenda, Mary Joy
Sorsogon State University, Philippines (maryjoy.huenda@deped.gov.ph)

Lazaro, Marieta
Sorsogon State University, Philippines (marieta.lazaro001@deped.gov.ph)

Marbella, Felisa D.*
Sorsogon State University, Philippines (felisa.marbella@sorsu.edu.ph)

Abstract:

Ang pag-aaral na ito ay sumuri sa mga pagbabagong nagaganap sa paggamit ng Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa patuloy na modernisasyong nagaganap sa lipunan, teknolohiya at kultura, gayundin sa mga sikolohikal at lingguwistikong epekto nito. Layunin nitong ilarawan ang mga anyo ng modernong gamit ng wika, suriin ang karanasan ng mga mag-aaral at tukuyin ang implikasyon ng mga pagbabagong ito sa kontekstong pang-akademiko. Deskriptib-kwalitatib ang disenyo ng kasalukyang pag-aaral upang masusing maunawaan ang penomenong pangwika at pangsikolohikal na hindi ganap na nasusukat sa paraang kuwantitatibo. Ang mga kalahok ay binubuo ng tatlumpung (30) mag-aaral sa ikaanim na baitang mula sa Paaralang Elementarya ng Tublijon at Guinlajon sa Kanlurang Distrito ng Lungsod Sorsogon. Purposive sampling naman ang ginamit ng mga mananaliksik sa pagpili ng mga kalahok na siyang pagkukunan ng mga datos. Pangunahing instrumento ang semi-structured interview schedule na dumaan sa beripikasyon ng eksperto. Isinagawa ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng personal na panayam, at sinuri ang mga ito gamit ang thematic analysis upang matukoy ang mga pangunahing tema kaugnay ng sikolohikal at lingguwistikong epekto ng modernisasyon ng Wikang Filipino. Batay sa mga natuklasan, laganap sa mga mag-aaral ang paggamit ng Taglish, mga salitang balbal at mga terminong hango sa teknolohiya at social media. Sa sikolohikal na aspekto, natukoy ang magkahalong epekto ng modernisasyon, pagtaas ng kumpiyansa sa impormal na komunikasyon ngunit pagbaba ng tiwala sa sarili, sa pormal at akademikong paggamit ng Filipino. Sa lingguwistikong aspekto, ipinakikita ng wika ang kakayahang umangkop, subalit may pangamba sa paghina ng kasanayan sa estandardisadong Filipino.

Keywords: modernisasyon, teknolohiya, pagsusuri, pananaw, social media

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26002

Cite this article:
Huenda, M. J., Lazaro, M., & Marbella, F. D. (2026). Modernisasyon sa wikang Filipino: Pagsusuri sa perspektibong sikolohikal na pananaw. International Journal of Research Studies in Education, 15(1), 85-98. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26002

* Corresponding Author