2026 IJRSE – Volume 15 Issue 1
Available Online: 10 January 2026
Author/s:
Homo, Chelo Manansala
Sorsogon State University, Philippines (chelo.homo001@deped.gov.ph)
Vargas, Alexander Ban
Sorsogon State University, Philippines (alexander.vargas@deped.gov.ph)
Marbella, Felisa D.*
Sorsogon State University, Philippines (felisa.marbella@sorsu.edu.ph)
Abstract:
Layunin ng pag-aaral na suriin ang leksikong ginamit sa larangan ng kalusugang pangkaisipan sa wikang Filipino. Gumamit ng deskriptib-kwalitatib na disenyo, kung saan limang eksperto at propesyonal sa kalusugang pangkaisipan at tatlong indibidwal na may malalim na kaalaman sa wika ang naging kalahok. Ang datos ay nakalap sa pamamagitan ng semi-structured na interbyu at Focus Group Discussion, at sinuri gamit ang kategorisasyon at pag-code. Natuklasan na mahalaga ang leksikon sa malinaw at epektibong komunikasyon, na nahahati sa positibo at negatibong termino. Ang mga terminong pangkalusugang pangkaisipan ay nabuo sa hiram, salin, o kombinasyon nito, at may iba’t ibang bahagi ng pananalita. Nahaharap ang leksikal na pagpapaunlad sa kakulangan ng terminolohiya, stigma, at pangangailangan sa sistematikong leksikon. Nabuo rin ang LEKSI-MIND: Salita at Kaisipan sa Kalusugang Pangkaisipan, isang glosaryo bilang gabay sa wastong pag-unawa at paggamit ng mga termino sa Filipino. inirerekomenda na paunlarin at palawakin ang leksikon sa Filipino sa kalusugang pangkaisipan upang mas malinaw at epektibo ang komunikasyon. Mahalaga rin ang pagsasalin ng mga materyales at pagbubuo ng standardized glossary tulad ng LEKSI-MIND upang masiguro ang tamang paggamit at pagkakaunawaan ng mga termino. Dapat ding isulong ang positibo at sensitibong paggamit ng wika upang mabawasan ang stigma at negatibong kahulugan ng ilang salita. Hinihikayat din ang pagsasanay at edukasyon para sa mga propesyonal at mag-aaral upang higit na maunawaan at magamit nang wasto ang terminolohiya sa larangan.
Keywords: leksikon, kalusugang pangkaisipan, Filipino, terminolohiya, stigma
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26001
Cite this article:
Homo, C. M., Vargas, A. B., & Marbella, F. D. (2026). Leksikon sa larangan ng kalusugang pangkaisipan: Isang pagsusuri. International Journal of Research Studies in Education, 15(1), 63-74. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26001
* Corresponding Author
