Unod festival: Sulyap-suri

2025 IJRSE – Volume 14 Issue 16

Available Online:  3 November 2025

Author/s:

Salgado, Christian Besca*
Sorsogon State University, Philippines (christiansalgado143@gmail.com)

Marbella, Felisa D.
Sorsogon State University, Philippines (felisa.marbella@sorsu.edu.ph)

Abstract:

Layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang Unod Festival sa bayan ng Castilla, Sorsogon. Ginamit ang kuwalitatib-deskriptibong disenyo ng pananaliksik at semi-structured na talatanungan upang makapanayam ang mga impormanteng kinabibilangan ng Mayor, mga Konsihal, Pamunuan ng Turismo, Tagasanay ng Sayaw ng Unod, at mga magsasakang Castillanon. Maingat na sinuri at binigyang-interpretasyon ang mga nakalap na datos. Natuklasan ng mananaliksik na ang makulay na pagdiriwang ng Unod Festival ay nakaugat sa matibay na pananampalataya ng mga Castillanon sa kanilang patron na Our Lady of the Holy Rosary, na pinaniniwalaang nagbibigay ng masaganang ani sa mga ugat na pananim gaya ng kamoteng kahoy, kamote, ube, at bungkukan. Bahagi ng tradisyong ito ang “Tinagba,” isang ritwal ng pag-aalay ng ani sa simbahan bago ito ipagbili, na kalauna’y ipinamahagi sa kabataan at ginagamit na tulong sa mga mag-aaral ng seminaryo. Ang sayaw ng Unod Festival ay may limang bahagi—Paghahanap ng Taniman, Pagtatanim, Pagpapakita ng Pagpeste, Pagsamba o Paghingi ng Gabay sa Patron, at Masaganang Ani—na sumasalamin sa kultura at pananampalataya ng mga mamamayan. Ang kinalabasan ng pag-aaral ay makatutulong sa pagpapalakas ng turismo at pagtuturo ng panitikan sa nasabing bayan. Inirerekomenda na suportahan ng lokal na pamahalaan ang mga manunulat at programang pangkultura upang mapalaganap ang kamalayang kultural ng mga kabataang Castillanon at mapanatili ang kanilang mayamang tradisyon.

Keywords: Unod festival, Castilla Sorsogon, pananampalataya, kultura, turismo

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25302

Cite this article:
Salgado, C. B., & Marbella, F. D. (2025). Unod festival: Sulyap-suri. International Journal of Research Studies in Education, 14(16), 261-280. https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25302

*Corresponding Author