E-saysay: Gabay sa pagsulat ng sanaysay

2025 IJRSE – Volume 14 Issue 16

Available Online:  1 November 2025

Author/s:

Defeo, Kristine*
Sorsogon State University, Philippines (kristine.defeo@deped.gov.ph)

Deyto, Nilda H.
Sorsogon State University, Philippines (deytonilda@gmail.com)

Abstract:

Natiyak sa pag-aaral na ito na malaman ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral. Deskriptib-kwalitatib ang disenyong ginamit ng mananaliksik. Ang mga kalahok ay ang mga mag-aaral sa Baitang 11 ng Mataas na Paaralan ng Pili, Magallanes Sorsogon. Ang mga sanaysay na nabuo ng mag-aaral ang pinagkunan ng mga datos gayundin ang isinagawang pakikipanayam. Inanalisa ang mga datos gamit ang rubrik sa pagsulat ng sanaysay, frequency count at tematikong pamamaraan. Natuklasan na karamihan sa mga mag-aaral ay nakakuha ng mahusay hanggang napakahusay sa iba’t ibang aspekto ng pagsulat na nakapaloob sa kasanayan sa balarila at kasanayang pangnilalaman. Mayroon pa ring mga kamalian sa pagbabaybay, pagbabantas, at paggamit ng malaki at maliit na titik. Lumabas na mas marami sa mga mag-aaral ay nakakuha ng di-gaanong mahusay sa pagsulat ng katawan at wakas ng sanaysay. Nakasusulat ng sanaysay ngunit hindi gaanong malinaw at hindi gaanong kawili-wili sa mambabasa. Maraming salik ang nakaaapekto sa antas ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral. Ang E-Saysay: Gabay sa Pagsulat ng Sanaysay, isang digital toolkit, ay maaaring tanggapin at gamitin sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay. Inererekomenda ang pagbibigay ng karagdagang mga gawaing makatutulong sa paglinang ng kasanayan sa balarila at kasanayang pangnilalaman sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral. Ang nabuong materyal ay inaasahang magagamit upang mapataas ang antas ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay. Magsagawa ng iba pang pananaliksik na may kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik.

Keywords: gabay sa pagsulat, sanaysay, digital toolkit, balarila, salik sa pagsulat

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25299

Cite this article:
Defeo, K., & Deyto, N. (2025). E-saysay: Gabay sa pagsulat ng sanaysay. International Journal of Research Studies in Education, 14(16), 155-171. https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25299

*Corresponding Author