Sa likod ng marka: Isang pagsusuri sa paggamit ng mga Online Platforms ng mga pumasa sa LET mula sa BSE Filipino

2025 IJRSE – Volume 14 Issue 16

Available Online:  16 October 2025

Author/s:

Villafuerte, Rochele B.*
Central Bicol State University of Agriculture, Philippines (rochele.villafuerte@cbsua.edu.ph)

Marbella, Felisa D.
Sorsogon State University, Philippines (felisa.marbella@sorsu.edu.ph)

Abstract:

Ang pag-aaral na ito ay isang deskriptibo-penomenolohikal na pananaliksik na tumatalakay sa mga karanasan ng mga nagtapos sa Bachelor of Secondary Education major in Filipino mula sa Central Bicol State University of Agriculture – Calabanga Campus na kumuha at nakapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET). Layunin ng pananaliksik na tukuyin ang mga online platforms na karaniwang ginamit sa paghahanda, alamin ang mga benepisyo at hamon na naranasan, at makabuo ng kompilasyon ng mga online review materials na makatutulong sa mga susunod na LET takers. Gamit ang semi-structured na panayam, isinagawa ang pananaliksik sa piling mga kalahok na pawang nakaranas ng paggamit ng online review platforms. Isinagawa ang thematic analysis upang matukoy ang mga karaniwang tema sa kanilang mga sagot. Lumabas sa resulta na ang mga platforms tulad ng YouTube, Facebook groups, at mga structured online review programs ay naging pangunahing kasangkapan sa kanilang paghahanda. Naitala rin ang mga benepisyong tulad ng flexibility ng oras, madaling access, at mababang gastos, habang kabilang naman sa mga hamon ang mahinang internet connection, kakulangan sa pinansyal na kakayahan, at mga personal na hadlang gaya ng kawalan ng disiplina at distractions. Bilang bahagi ng awtput, binuo ang isang Google Site na pinamagatang LET Review Hub na naglalaman ng kompilasyon ng online review materials na angkop para sa mga nagrerebyu sa LET. Iminumungkahi ng pag-aaral ang mas malawak na paggamit ng mga digital tools, pagpapalakas ng self-regulated learning, at pagbibigay-suporta ng mga institusyon sa mga inisyatibong online review upang higit na mapabuti ang paghahanda ng mga mag-aaral para sa LET.

Keywords: licensure examination for teachers, online platforms, digital na pagkatuto, BSE Filipino, self-regulated learning

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25293

Cite this article:
Villafuerte, R. B., & Marbella, F. D. (2025). Sa likod ng marka: Isang pagsusuri sa paggamit ng mga Online Platforms ng mga pumasa sa LET mula sa BSE Filipino. International Journal of Research Studies in Education, 14(16), 35-47. https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25293

* Corresponding Author