2025 IJRSE – Volume 14 Issue 8
Available Online: 2 May 2025
Author/s:
Buenaobra, Mia A.
Sorsogon State University, Philippines (miabuenaobra906@gmail.com)
Estera, John Emil D.*
Sorsogon State University, Philippines (Ako2emil@gmail.com)
Abstrak:
Natiyak sa pag-aaral na ito ang dokumentasyon ng Purog Cave at Liyang Cave, mga potensyal na atraksiyon sa Bayan ng Casiguran, Sorsogon. Ginamit ng mananaliksik ang deskriptib-kwalitatibong disenyo ng pag-aaral upang makalap ang mga datos hinggil sa mga kuweba. Purposive-homogenous sampling ang ginamit sa pagpili ng 30 impormante mula sa dalawang barangay. Nagsagawa ng panayam sa 14 na indibidwal at 3 focus group discussions gamit ang interbyu-guide. Kabilang sa mga kinapanayam ay mga tagapangalaga ng lupa, barangay opisyal, at matatandang residente na may kaalaman sa mga kuweba. Isinailalim sa tematikong pagsusuri ang mga datos upang dokumento ang Purog at Liyang Cave at matukoy ang kanilang ambag sa turismo mula sa pananaw ng komunidad. Natuklasan na ang Purog at Liyang Cave ay parehong pribadong pag-aari at may natatanging likas na katangian. Nakuha rin ang 12 kuwentong-bayan mula sa komunidad na may temang kababalaghan, kasaysayan, at karanasan. Lumabas sa pag-aaral na may potensyal ang mga kuweba sa pagpapalago ng turismo sa larangan ng pag-unlad, pagkilala, at pagpreserba. Bilang hakbang para sa edukasyon at promosyon ng lokal na turismo, isang magasin na pinamagatang “Likas-Yamang Pamana ng Casiguran” ang nabuo. Inirerekomenda ang mga sektor ng turismo at lokal na pamahalaan na magsagawa ng proteksyon at pag-aaral sa mga kuweba, pahalagahan ang lokal na kultura, at magpatuloy sa mga pag-aaral hinggil sa kasaysayan ng lugar.
Susing Salita: kuwento, tuklas, kuweba, atraksiyon, bayan ng Casiguran, Sorsogon
DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25082
Cite this article:
Buenaobra, M. A., & Estera, J. E. D. (2025). Tuklas-Kuwento ng Purog Cave at Liyang Cave: Potensyal na atraksiyon sa Casiguran, Sorsogon. International Journal of Research Studies in Education, 14(8), 155-179. https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25082
* Corresponding Author