Bugtong: Pagkilala sa kulturang Sorsoganon

2025 IJRSE – Volume 14 Issue 8

Available Online:  2 May 2025

Author/s:

Lagadia, Dahlia L.
Sorsogon State University, Philippines (lagadiadahlia@gmail.com)

Estera, John Emil D.*
Sorsogon State University, Philippines (Ako2emil@gmail.com)

Abstrak:

Nasuri sa pag-aaral na ito ang mga bugtong Sorsoganon gamit ang mga elementong sukat, tugma, kariktan at talinghaga na ayon kay Lope K. Santos (Julian, 2014). Nalaman ang kulturang masasalamin sa nabuong bugtong ng mga mag-aaral sa baitang 8 ng Celestino G. Tabuena Memorial National High School taong panuruan 2024-2025. Diskriptib- analisis ang ginamit na disenyo ng pag-aaral na ito. Sinuri ng mananalikisk ang mga nabuong bugtong batay sa pamantayang binigay maging ang sinasalaming elemento ng kultura sa mga ito. Ang pananaliksik na ito ay nilahukan ng 106 mag-aaral mula sa limang seksyon ng Baitang 8 ng Celestino G. Tabuena Memorial National High School, taong panuruan 2024–2025. Nakaipon ang mananaliksik ng 154 na bugtong, sapagkat may ilang mag-aaral na nakabuo ng higit sa isa. Ang mga bugtong ay orihinal at mahusay, alinsunod sa pamantayan ni Julian (2014), at gumagamit ng mga kumbensiyon tulad ng sukat, tugma, talinghaga, at kariktan. Ipinapakita rin ng mga ito ang kultura ng lugar. Purposive sampling ang ginamit sa pagpili ng mga kalahok. Lumabas sa pag-aaral na mas maraming bugtong ang nakasunod sa pamantayan ng mananaliksik, bagamat may ilan na walang sukat at tugma ngunit may talinghaga at kariktan. Masasalamin sa mga bugtong ang iba’t ibang aspeto ng kulturang Sorsoganon. Ang nabuong magasin ay maaaring gamitin sa pagtuturo ng bugtong bilang akdang pampanitikan. Inirerekomenda na hikayatin ang mga mag-aaral na lumikha ng bugtong na may kumpletong elemento, at gamitin ito upang mapalaganap at mapahalagahan ang kultura. Maaaring magsilbing tulong ang mga bugtong sa pagpapayaman ng imahinasyon at panitikan. Hinihikayat din ang mga karagdagang pag-aaral upang lalo pang mapagtibay ang ganitong uri ng pananaliksik.

Susing Salita: bugtong, pagkilala, kulturang Sorsogon, sukat, tugma, kariktan, talinghaga

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25081

Cite this article:
Lagadia, D. L., & Estera, J. E. D. (2025). Bugtong: Pagkilala sa kulturang Sorsoganon. International Journal of Research Studies in Education, 14(8), 237-258. https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25081

* Corresponding Author