Gabay-materyal sa paggawa ng pormal na panulat sa mga guro sa elementarya

2025 IJRSE – Volume 14 Issue 8

Available Online:  2 May 2025

Author/s:

Lopez, Joven M.*
Sorsogon State University, Philippines (jhovenmedianalopez.jml@gmail.com)

Marbella, Felisa
Sorsogon State University, Philippines (felisa.marbella@sorsu.edu.ph)

Abstrak:

Natiyak sa pag-aaral na ito ang gamit ng nabuong gabay-materyal sa paggawa ng pormal na panulat ng mga guro sa Filipino sa Distrito ng Castilla, taong panuruan 2024 – 2025. Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng disenyong deskriptib-kwalitatib. Ang mga respondent ay ang mga gurong may katungkulan bilang Filipino Koordinaytor sa Distrito ng Castilla. Ang nagsilbing instrumento ng pananaliksik ay ang mga naratibong ulat na nakasulat sa Filipino na isinumite ng mga koordineytor ng kalahok na paaralan. Ginamit din ang interbyu skedyul sa pagkuha ng karagdagang datos. Inanalisa gamit ang frequency count, weighted mean at LRMDS ang resulta mula sa nalikom na datos. Batay sa nalikom na datos, natuklasan ang sumusunod: Hindi gaanong nalinang ang kasanayan ng mga guro sa paggawa ng pormal na panulat sa kadahilanang hindi sapat ang kaalaaman at kakayahan sa paggawa. Hindi nakagagawa ng pormal na panulat sapagkat wala na silang oras sa paggawa nito. kulang ang kaalaman sa kung paano sila gumawa ng pormal na panulat, Limitado ang kaalaman sa paggamit ng mga salita sa gagawing pormal na panulat. Inirerekomenda ang sumusunod: ang mga guro ay patuloy na makilahok sa mga pagsasanay, paligsahan at seminars nang sa gayun ay mas malinang pang lalo ang mga kakayahan sa pagsulat ng mga pormal na panulat gamit ang wikang filipino. Ang nabuong gabay-materyal ay maaring gamitin ng mga guro lalo na ng mga guro sa Filipino upang mas mapataas ang antas ng kaalaman sa paggawa ng pormal na panulat.

Susing Salita: gabay-materyal, pormal na panulat, naratibong ulat, pagsulat, makrong kasanayan

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25074

Cite this article:
Lopez, J. M., & Marbella, F. (2025). Gabay-materyal sa paggawa ng pormal na panulat sa mga guro sa elementarya. International Journal of Research Studies in Education, 14(8), 65-78. https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25074

* Corresponding Author