Tuklas turismo sa Bayan ng Pilar

2025 IJRSE – Volume 14 Issue 9

Available Online:  20 May 2025

Author/s:

Rebosura, Ivy*
Sorsogon State University, Philippines (ivy.rebosura@gmail.com)

Marbella, Felisa
Sorsogon State University, Philippines (felisa.marbella@sorsu.edu.ph)

Abstract:

Natiyak sa pag-aaral na ito ang pagtuklas sa turismo sa Bayan ng Pilar, taong 2018. Deskriptib-kwalitatib ang desinyong ginamit ng mananaliksik sa paglikom ng mga datos sa kinakailangan sa pag-aaral. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay mula sa komunidad ng Pilar, gayundin sa mga kawani ng Kagawaran ng Turismo, Kagawaran ng Edukasyon, at lokal na pamahalaan. Gumamit ng purposive sampling sa pagpili ng 200 kalahok: 50 mula sa bawat grupo mula sa komunidad, turismo, edukasyon, at lokal na pamahalaan. Ginamit ang sarbey at interbyu skedyul sa pag-alam ng mga natatanging yaman sa bayan ng Pilar at maging ang mga ambag ng atraksyong panturismo sa komunidad, turismo, pamahalaan at edukasyon. Ginamit din ang sarbey upang matukoy ang paraan ng pagpapakilala ng mga atraksyong nahanap. Binigyan ng interpretasyon ang mga datos na nakalap sa tulong ng pagbuo ng tematik-analisis. Natuklasan sa pananaliksik na maraming magagandang destinasyon sa Pilar na may potensyal na magbigay ng identidad sa lugar. Ngunit dahil sa kakulangan sa promosyon, hindi ito gaanong napupuntahan. Mahalaga ang kamalayan ng komunidad sa pagpapalago ng turismo, sapagkat dito nagmumula ang kasiglahan nito. Ang paggamit ng magasin at makabagong paraan ng promosyon ay makatutulong sa pagpapakilala ng mga atraksyon, na maaaring magdulot ng pag-unlad sa turismo at kabuhayan ng lugar.

Keywords: turismo, Bayan ng Pilar, ambag, atraksyon, pagpapakilala

PDF

DOI: https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25108

Cite this article:
Rebosura, I., & Marbella, F. (2025). Tuklas turismo sa Bayan ng Pilar. International Journal of Research Studies in Education, 14(9), 273-289. https://doi.org/10.5861/ijrse.2025.25108

* Corresponding Author